-- Advertisements --

Patay ang isang limang taong gulang na batang lalaki matapos ang pagbagsak ng Italian fighter Jet sa Turin city, Italy.

Ang MB-339 ay bumagsak habang nagsasagawa ng ensayo ang Air Force aerobatics squadrons.

Sugatan naman ang kapatid nitong siyam na taong gulang na itinakbo na sa pagamutan.

Ang Frecce Tricolori aerobatic jets na bahagi ng Italian Air Force ay nagsasagawa ng formation para sa ika-100 taon na pagdiriwang ng Italian Air Force.