-- Advertisements --

Patay sa sunog ang 5-anyos na kambal na batang babae sa Tondo, Maynila.

Ayon sa kanilang tagapag-alaga na si Jaquelyn Ragos, na umakyat ito sa ikalawang palapag ng bahay nila ng marinig niyang umiiyak ang dalawang bata.

Hindi na ito makapasok sa kuwarto dahil sa laki na ng sunog.

Nakita lamang ang bangkay ng mga biktima matapos na maapula ang sunog na nagtagal ng halos isang oras.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.