-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Dead on arrival ang limang taong gulang na bata matapos na malunod sa isang resort sa Brgy. Salvacion Abuyog, Leyte

Ang nasabing biktima ay isang estudyante at residente ng Brgy. Sto Niño Abuyog, Leyte.

Ayon kay MSgt. Frandi Briones, Investigator ng Abuyog Municipal Police Station, sakay sa salbabida ang biktima at hinila ito ng kanyang tiyuhin at aksidente itong nahulog at naipailalim sa sinasakyan nitong salbabida.

Agad naman itong kinuha nang kanyang tiyuhin pero nahihirapan na itong makahinga.

Agad din naman binigyan ng first aid ng nasabing resort ang biktima at sinugod pa sa ospital at sa kasamaang palad hindi na ito umabot dahil walang ng buhay ang bata ng makarating sila sa pinakamalapit na ospital.

Wala namang nakikitang foul play ang mga kapulisan sa nangyari at naniniwala ang mga ito na isang aksidente ang pagkamatay nga biktima.