CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang limang taong gulang na bata matapos mabaril ng pitong taong gulang na kapitbahay sa Maguindanao.
Nakilala ang nasawi na si alyas Tato, habang suspek ang ay si alyas Tahir, kapwa residente ng Parang sa Maguindanao.
Ayon kay Parang Chief of Police, Lieutenant Colonel Ibrahim Jambiran, naglalaro ang dalawang bata malapit sa kanilang tahanan gamit ang hollen gun.
Kinalabit umano ng nakatatanda ang gatilyo ng hollen gun at pumutok na tumama sa ulo ng biktima.
Naisugod pa si Tato sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Ang suspek naman ay agad nahuli at dinala sa Municipal Social Welfare and Development Office dahil menor de edad.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Parang-Municipal Police Station sa pangyayari.