-- Advertisements --

CEBU CITY – Hindi na nailigtas ang isang limang taong gulang na bata matapos sumiklab ang apoy sa kanilang bahay sa Barangay Agus, Lapu-Lapu City kaninang umaga.

Kinilala ang nasawi na si Mon Harry Anhao, habang nagtamo naman ng sugat ang ama nito na si Freddy Anhao matapos sinubukang iligtas ang bata sa nasusunog nilang bahay.

Una rito, iniwan umano ang bata habang nagtitinda sa karenderya ang mga magulang nito ilang distansiya lang ang layo mula sa kanilang bahay.

Posible umanong sira sa electrical wiring ang dahilan ng sunog, ayon sa Bureau of Fire Protection ng Lapu-lapu City.

Tinatayang aabot sa P120,000 ang pinsala sa sunog kung saan tanging bahay lang ni Anhao ang partially damaged.