-- Advertisements --
Napatay ng kapulisan sa Malaysia ang limang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Naganap palitan ng putok ng kapulisan at ang bandidong grupo sa Sabah, Malaysia.
Kinilala ang isa sa mga napatay na si Mabar Binda isang ASG sub-commander at nasa wanted list ng Pilipinas.
Pinaigting kasi ng Malaysia ang pagtugis sa nasabing miltanteng grupo matapos ang naganap na pag-aatake sa Kuala Lumpur noong 2016.