Magiging crucial ang araw sa mga atletang Pinoy na sumasabak sa Paris Olympics.
Limang atleta kasi ang sasabak ngayong araw.
Kinabibilangan ito ng mga boksingerong sina Eumir Marcial at Nesthy Petecio, rower na si Joanie Delgaco, swimmer na si Kayla Sanchez at juduka na si Kiyomi Watanabe.
Makakaharap ni Marcial si Turabek Khabibullaev ng Ukraine para sa 80 kgs. division dakong 3:04 ng umaga ng Miyerkules habang si Petecio ay makakalaban si Jaismine ng India ng 11:38 ng gabi ng Martes oras sa Pilipinas para sa women’s 75 kgs.
Lalaban naman para sa quarterfinals ng rowing si Delgaco ng women’s single sculls dakong 3:30 ng hapon.
Masusubukan naman ni Watanabe si Tang Jing ng China sa womens 63kgs. round of 32 ng alas-4 ng hapon oras sa Pilipinas.
Unang pagsabak naman sa swimming ni Sanchez sa women’s 100 meters freestyle ng 6:47 ng gabi oras sa Piliipnas.
Ang 16 na may pinakamabilis sa 29 swimmers ay abanse sa semifinals.
Nakatuon ngayon ang atensiyon ng mga boxing fans dahil noong hindi pa tinatanggal ang 75 kgs. category ay nakakuha ng bronze medal si Marcial noong Tokyo Olympics.
Habang si Petecio ay nagwagi ng silver medal noong Tokyo Olympics.
Magugunitang nakausad na sa susunod na round si Aira Villegas ng talunin si Yasmine Mouttaki ng Morocco.