Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at Philippine Air Force commanding general Lt. Gen. Allen Paredes ang blessing and acceptance ng limang bagong Black Hawk helicopters na nai-deliver noong June 7,2021.
Kasabay sa nasabing aktibidad ang decommissioning sa 10 UH-1D helicopters na ginanap sa Haribon Hangar sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga.
Binili ng AFP ang 10 UH-1D helicopter noon pang 2013.
Ang nasabing seremony ay para i-acknowledge ang pormal na pagreretiro sa serbisyo ng UH-1D fleet bilang workhorse ng AFP para sa kanilang heli-lift operations.
Highlights sa nasabing aktibidad ang towing sa UH-1D aircraft sa pagitan ng dalawang firetrucks kung saan ang nasabing aircraft ay binigyan ng traditional water cannon salute.
Sinundan ang nasabing aktibidad ng acceptance, turn-over and blessing ng S-70i Black Hhawk at Scan Eagle UAVs na donasyon ng Amerika.
Ang limang S-70i Black Hawk helicopters, ay pormal na tinurn-over ng Polish Charge d’ Affaires Jaroslaw Szczepankiewicz sa PAF.
Ang nasabing mga helicopters ay dagdag sa Black Hawk fleet ng PAF at malaking tulong sa heli-lift capability ng AFP.
Pinasinayaan din kahapon ang apat na Scan Eagle Unmanned Aerial Vehicles na binigay ng Amerika sa PAF.
Ang mga nasabing UAVs o spy plane ay lalong mapaigting ang reconnaissance operations ng AFP.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina AFP chief of staff Gen Jose Faustino; commander ng Air Mobility Command MGen. Simeon Felix; Wing Commander, 205th Tactical Helicopter Wing, Col. Frederick Cutler; Wing Commander, 300th Air Intelligence and Security Wing, Col. Romeo Jerome Dirilo; Commander, US INDOPACOM, Adm John Aquilino at mga representatives mula sa PZL at JUSMAG.
Ayon kay Lorenzana ang dagdag na mga assets ay “crucial” sa pagbibigay seguridad sa mga komunidad laban sa mga traditional security threats and disasters.”