CENTRAL MINDANAO – Umakyat na sa anim katao ang nagpositibo sa Delta variant ng Coronavirus Disease (Covid-19) sa probinsya ng Cotabato.
Ito ang kinumpirma ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU-Cotabato.
Ang bagong kaso ng Delta Variant, dalawa dito ay mula sa Kidapawan City, tig-isa sa Tulunan, M’lang at Pikit Cotabato.
Sinabi ni Integrated Provincial Health Office (IPHO-Cotabato) Chief Dra Eva Rabaya na nagsagawa na ng malawakang contact tracing ang City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) at Municipal Epidemiology Surveillance Unit (MESU) sa mga nakasalamuha ng limang pasyente.
Matatandaan na unang nagpositibo ang isang senior citizen mula sa bayan ng Aleosan Cotabato.
Sa ngayon ay mas lalong hinigpitan ang pagpapatupad ng minimu health protocols sa probinsya ng Cotabato.