KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang isinasagawang assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Lake Sebu, South Cotabato matapos ang nangyaring landslide.
Ayon kay MDRRMO Action Officer Roberto Bagong, limang bahay ang nasira dahil sa nasabing landslide na resulta naman ng sunod-sunod na pag-ulan sa probinsya.
Maliban aniya sa mga nasirang bahay, nagkaroon din ng bitak ang national higway ng nasabing bayan na agad naman na ipina-abot sa Department of Public Works and Highways upang ma-aksyunan.
Kaugnay nito, inilikas din ang mga residente na nawalan ng tirahan at temporaryong nanatili sa barangay gym.
Inirekomenda din ng local government unit ang paglikas ng mga residente na malapit sa landslide prone areas kung may pagbabanta ng landslide.
Pinaaalahanan din ang mga ito na magdoble ingat sa posibleng mangyaring kalamidad.
Sa ngayon, patuloy pa na inaalam ang kabuuang danyos ng nasabing landslide.