Hinalughog ng mga tauhan ng Philippine National Police ang limang kabahayan ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., ni-raid ng ilang tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group kaninang umaga ang tatlong bahay ni Teves sa Bayawan City, at isang resort sa bayan ng Basay sa bisa ng isang search warrant.
Ngunit nilinaw ni Abalos na hindi lahat ng ito ay pag-aari ng nasabing kongresista.
Narekober ng mga otoridad sa naturang operasyon ang iba’t-ibang uri ng mga dekalibreng armas, granada, at bala na kasalukuyan nang isinasailalim ngayon ng mga otoridad sa inventory.
Ayon kay Abalos, ang naturang mga armas na ito sa na pag-aari ni Teves pawang mga huwad umano ang mga dokumento.
Kung maaalala, mas nadiin pa ang pangalan ni Cong. Arnolfo Teves sa kasong pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo matapos siyang ituro ng mga suspek bilang utak sa likod ng nasabing karumaldumal na krimen.