-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nawasak ang limang tahanan sa Maguindanao nang tamaan ng malakas na hangin.

Ayon sa ilang mga residente sa Brgy Sayap Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao na nakaramdam sila ng animoy buhawi na hangin.

Agad nagtakbuhan ang mga sibilyan at nagkubli sa mga ligtas na lugar.

Kinumpirma rin ni Datu Hoffer Ampatuan MDRRMO Officer Gemma Pinansillo na limang bahay ang winasak ng malakas na hangin.

Wala namang nasaktan sa paghagupit ng buhawi ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente.

Ang mga nawalan ng bahay ay pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak.

Maraming mga punong kahoy rin ang binuwal na malakas na hangin at ulan.

Sa ngayon ay naghahanda na ang LGU-Datu Hoffer para matulungan ang mga biktima na nawalan ng bahay na binayo ng buhawi.