-- Advertisements --
Nadiskubre ng Israeli forces ang bangkay ng limang Israelis na pinatay ng mga Hamas sa naganap na pag-atake noong Oktubre 7.
Naibalik na sa Israel ang mga bangkay ng mga biktimang sina Maya Goren ganun din ang mga sundalong sina Tomer Ahimas at Kiril Brodski, at mga military reservist na sina Ravid Aryeh Katz at Oren Goldin.
Ang lima ay una ng idineklarang patay ng military at Israeli campaign group na Hostages and Missing Families Forum.
Pinatay umano sila ng mga Hamas noong araw mismo ng pag-atake.
Sa unang araw ng pag-atake ay nagtala ang Israel ng 1,197 na katao ang nasawi.
Tinangay pa umano ng mga militanteng Hamas ang 251 na bihag kung saan 111 sa mga dito ay nananatili sa Gaza kabilang ang 39 na hinala ng mga militar ay patay na.