-- Advertisements --

Nagsimula ng ipatupad ang isang linggong localized lockdown sa limang barangay ng Antipolo City dahi sa panibagong kaso ng COVID-19.

Kinabibilangan ito ng Phase 2, COGEO Village, Barangay , Bagong Nayon; Upper Sto. Nino, Brgy. Sta. Cruz; Phase2, Sta. Elena Subd., Brgy. San Jose; Phase 2, Peace Village , Brgy. San Luis at College View Park, Purok 4, Zone 8 , Barangay Cupang.

Maglalagay ang kapulisan sa lugar para matiyak na walang lalabag sa i papatupad sa lockdown.

Ayon sa ilang opisyal ng lugar na karamihang nagpositibo sa kanilang lugar ay yung mga nagtatrabaho sa NCR.

Tiniyak naman ng mga opisyal ng lugar na sila na ang bahala na magbigay ng mga pangangailangang mga residenteng naaapektuhan.