KORONADAL CITY – Apektado pa rin ng baha ang limang barangay sa bayan ng Kabacan, North Cotabato matapos na umapaw ang tubig baha sa Kabacan river dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.
Ayon sa MDRRMO Kabacan, halos aabot sa bubongan ng bahay ang tubig baha sa mga barangay na nasa gilid lamang ng ilog kaya’t isinagawa rin ang evacuation sa mga apektadong pamilya.
Sa ngayon, dahan-dahan naming humupa ang tubig-baha ngunit nangangamba pa rin ang mga residente sa posibilidad na pagbuhos ng ulan.
Maliban dito, nasa higit 500 ektarya na sa ngayon ng pananim na palay at mais ang nasira dahil sa baha.
Nagpapatuloy naman ang assessment at validation sa pinsalang iniwan ng pagbaha sa mga pananim ng mga magsasaka.
Nagbigay na rin ng inisyal na ayuda o tulong ang LGU-Kabacan sa mga apektadong pamilya.