-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa limang barangay sa lungsod ng Koronadal ang isinailalim sa lockdown o enhanced community quarantine (MECQ) simula ngayong araw hanggang sa Hunyo 21 nitong taon.

Ito ang ayon sa inilabas na Executive Order no. 21 ni Koronadal City Mayor Eliordo Ogena.

Ayon kay Mayor Ogena, kailangan na ipatupad ang lockdown sa mga barangay ng GPS, Sto. Niño, Sta Cruz, Zone 3 at Zone 4 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa community transmission.

Maliban sa pagsasailalim ng MECQ sa nabanggit na mga lugar ay ipapatupad din ang No movement sa Sunday sa Hunyo 13 at 20 nitong taon.

Napag-alaman na umabot na sa higit 1000 ang aktibong kaso sa South Cotabato na ang pinakamataas na kontribusyon mula sa lungsod.

Sa ngayon, maging ang malalaking paaralan sa lungsod ang ginawa na ring isolation facility.

Kaugnay nito, hiling ng alkalde sa mamamayan ng lungsod ang pang-unawa at kooperasyon upang mabawasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.