-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Pikit Cotabato katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng damage assessment at need analysis sa limang barangay nito na apektado ng pagbaha.

Kabilang sa mga barangay na apektado ng pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan ay ang Brgy. Takepan, Dalingaoen, Panicupan, Ginatilan at Ladtingan.

Dahil dito, ilang pamilya na din ang lumikas matapos na mapasok ng tubig-baha ang kanilang mga tahanan.

Namahagi naman ang Mindanao Children Library Foundation Inc. ng mga tarapal upang pansamantalang maging silungan ng mga apektadong pamilya.

Sa ngayon ay nabigyan na ng tulong ang mga pamilya ng food assisstance mula sa lokal na pamahalaan.

Ang patuloy na pagbaha ay dulot ng sunod-sunod na pag-ulan matapos na opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang pagpasok ng rainy season kamakailan.