-- Advertisements --
Patay ang limang bata habang apat na iba pa ang sugatan matapos na mahulog sa bouncy inflatable castle na inilipad ng malakas na hangin sa Australia.
Naganap ang insidente sa primary school school fun day sa Davonport, Tasmania.
Ayon sa mga kapulisan na nahulog ang mga bata na may taas na 32 talampakan.
Pawang mga edad 10 hanggang 11 ang mga nasawing biktima.
Sinabi ni Tasmanian Police Commissioner Darren Hine na inilipad ng hangin ang jumping castle kung saan naglalaro ang mga batang biktima.
Nagpaabot naman na ng pakikiramay si Australian Prime Minister Scott Morrison sa mga pamilya ng nasawing biktima.