CENTRAL MINDANAO – Nasa ilalim na ng state of calamity ang limang bayan sa Cotabato dahil sa matinding init na nararanasan.
Sinabi Cotabato Provincial Desaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)-Warning at Action officer Engineer Arnulfo Villaruz, sa pagsubaybay ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ay napabilang ang Rehiyon 12 sa low amount of rainfall at halos lahat ng mga bayan ay nakakaranas ng sobrang init ng panahon.
Kabilang dito ang mga bayan ng Pikit, Aleosan, M’lang, Alamada, at Tulunan, North Cotabato.
Matinding naapektuhan ang ekta-ektaryang pananim sa tagtuyot at bumaba rin ang lebel ng tubig sa mga malalaking ilog.
Namigay na rin ng tulong ang Provincial Government sa pamamagitan ng Cotabato-PDRRMC sa mga bayan na sinalanta ng tag-init.