KORONADAL CITY- Umabot na sa limang bayan sa South Cotabato ang lubos na naapektuhan ng malawakang baha dahil sa sunod-sunod na buhos ng malakas na ulan.
Ayon sa damage assessment ng Provincial Agricultures Office at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office nasa 1,021 na ektarya ng taniman ng mais, palay at mga high value crops mula sa mga bayan ng Norala, Surallah, Banga, Tboli at Lake Sebu.
Tinatayang na 600 mga magsasaka naman ang apektado mula sa 57 mga barangay sa lalawigan.
Matinding naapektuhan ng kalamidad ang bayan ng Surallah kung saan umabot sa higit 600 ektarya ang napinsala kabilang na ang mga alagang hayop at palaisdaan.
Samantala, nasa 230 hektarya naman ang napinsala sa bayan ng Norala, 75 ektarya sa Banga, 70 ektarya sa T’boli at 30 ektarya sa bayan ng Lake Sebu.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang assessment ng tanggapan sa kabuuang pinsala upang mabigyan din ng karagdagang ayuda ang mga residenteng apektado.