-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Dr. Loida Valenzuela, provincial veterinarian, na apektado na ng African Swine Fever ang limang bayan dito sa Ilocos Norte.

Kasama sa listahan ang bayan ng Solsona, kung saan nag-umpisa ang pagkalat ng ASF, bayan ng Dingras, Marcos, Nueva Era at Carasi.

Ang mga nasabing bayan ay halos magkakatabi sa silangan, timog-silangang bahagi ng lalawigan.

Ayon kay Valenzuela, dalawang blood sample mula sa mga baboy ng Nueva Era ang positibo sa ASF dahilan upang idinaan sa culling operation ang mahigit 100 na alagang baboy.

Sa bayan ng Carasi, nasa halos 200 baboy ang sapilitang pinatay matapos magpositibo ang 12 blood samples.

Sinabi pa ni Valenzuela na nadagdag ang Brgy. Talugtog sa bayan ng Solsona sa apektado ng ASF.

Dahil dito umapela sa mga nag-aalaga ng baboy na ipagtapat ang sitwasyon ng kanilang alagang baboy upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing virus.