-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tumanggap na ng pinansyal at livelihood assistance ang limang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na sumuko sa tropa ng 90th Infantry Battalion Philippine Army at sa lokal na pamahalaan ng Talitay Maguindanao.

Sinabi ni Kumander Aba Esmail Hadji,Defuty Commander ng BIFF na kahirapan ang nagtulak sa kanila para sumuko.

Gusto na rin nilang mamuhay na mapayapa kasama ang kanilang mahal na pamilya.

Dagdag ni Kumander Aba na matanda na rin sila kaya naisipan nilang sumuko dahil wala ding patutunguhan ang kanilang pinaglalaban.

Dala-dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang dalawang garand rifles, isang kalibre.45 na pistola, isang RPG, isang locally made na 60 mm mortar at mga bala.

Kabilang sa tinanggap na tulong ng mga rebelde ay mga alagang baka,bahay,mga gamit pangisda kagaya ng Bangka at fishnet

Nanawagan naman si 6th ID Chief,Major General Diosdado Carreon sa mga rebelde na nagtatago sa SPMS Box at Liguasan Delta na magbalik loob na sa gobyerno.