-- Advertisements --

sikorsky

Dumating na sa Clark Airbase sa Pampanga ang lima sa 16 na pinakabagong mga Sikorsky S70-i Blackhawk helicopter para sa Philippine Air Force (PAF).

Ayon sa Department of National Defense, sakay ang unang batch ng mga biniling helicopter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng Antonov heavy transport aircraft.

Ang pagdating ng bagong aircrafts ay bahagi ng AFP modernization program.

Binili ng Defense Department ang mga Sikorsky helicopter para Phil. Air Force kung saan mula naman ito sa Polish company na Polskie Zaklady Lotnicze sa ilalim ng Sikorsky USA.

Nasa $241,461,699.39 ang halaga ng mga nasabing Blackhawks helicopter na binili sa pamamagitan ng government to government transaction sa Poland.

chopper helicopter apache sikorsky

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, malaking bagay ang mga nabiling bagong helicopter para sa AFP dahil may kapabilidad ito para sa iba’t ibang operasyon kabilang na ang combat mission, humanitarian assistance at disaster response.

Dagdag pa ng kalihim, maaari ring magamit ang nasabing mga helicopter para sa nagpapatuloy na pagtugon ng pamahalaan laban sa COVID-19.

clark2

Nakatakda namang dumating sa Maynila sakay ng barko ang ika-anim na Sikorsky helicopter sa susunod na buwan habang ang nalalabing 11 pa ay nakatakdang dumating sa unang bahagi ng susunod na taon.