CEBU CITY – Suspendido ang limang barangay chairperson sa lalawigan ng Cebu na napasama sa 89 na mga kapitan na dawit sa anomalya sa pagbibigay ng Social Amelioration Program (SAP) sa buong bansa.
Kinilala ang naturang mga opisyal na sina Kapitan Patricio Soco ng Barangay Alang-Alang, Mandaue City; Ulysses Raganas ng Barangay Linao, Talisay City; Zosima Rojo ng Barangay Upper, Carmen; Norman Navarro na nasa Barangay Basak-San Nicolas, Cebu City; at Ignacio Cortes II sa Barangay Centro, Mandaue City.
Tatagal ng anim na buwan ang kanilang suspensyon at ang Department of the Interior and Local Government (DILG) mismo ang nagsampa ng complaint laban sa mga kapitan.
Matatandaang nagbigay ng direktiba si DILG Secretary Eduardo Año sa mga alkalde ng mga kapitan na ipatupad ang suspension order of the Office of the Ombudsman agad agad pagkatapos mailabas ang receipt ng order.