-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Matagumpay na narescue at natulungan ng mga kapulisan ang limang buntis na sunod sunod na nanganak sa Caibiran, Biliran sa kasagsagan mismo ng bagyong Ursula.

Ayon kay Pol. Maj. Denver Revita, Regional Finance Service Officer ng Police Regional Office 8, kasama niya si Pol. Maj. George Benitez na nagduty sa gabing yon at nakapagrescue na sila ng mahigit sa isang daang biktima ng bagyo.

May tumawag daw sa kanila para humingi ng tulong dahil nasiraan ito ng sasakyan at loob nito ay may isang babae na malapit ng manganak at kailangan ng dalhin sa ospital.

Dahil dito ginamit nina Pol. Maj. Revita ang sasakyan ng kanyang bayaw na Toyota Hilux kung saan habang binabyahe ang buntis patungong ospital ay sa loob ng sasakyan na ito nanganak

Kaya dahil dito ay pinangalanan ang sanggol na Christian Hilux Blanker.

Sunod naman na nirespondehan ng mga pulis ang isa pang buntis na si Jenny Rose Aragon na sa panahong yon ay naglalabor na kayat hiniling nila sa isang may-ari ng bahay na dun nalang ito manganak sa loob ng kanilang tahanan.

Pagkatapos mangank ni Jenny Rose ay pinangalanang Mary Cris Ursula Solayao ang kanyang baby

Pagdating naman nina Pol. Maj. Revita sa hilagang parte ng Caibiran ay may isa pang buntis na natrap sa gitna ng nagtumbahang poste at kahoy kayat dali dali nila itong tinulungan pra madala sa RHU at dun na manganak.

Maliban lang dito ay may dalawa pang buntis na tinulungan ang mga pulis kung saan kinailangan muna nilang magclearing para makadaan ang mga ito para dalhin sa hospital at dun na sila nanganak.

Sa pagpasok ng Enero sa susunod na taon ay sabay sabay na bibinyagan ang limang sanggol at kinuhang ninong ang mga pulis na tumulong sa mga ito.