-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Limang mga bus drivers at conductor na may biyahe sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao ang nagpositibo sa surprise drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Caraga base na rin sa request ng Department of Transportation o DOTr-Caraga.

Ito’y mayu kaugnayan na rin sa ipinatupad na Oplan Biyaheng Ayos para sa long weekend dahil sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections at sa Todos los Santos.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Noel Aban, ang hepe sa Operations Division ng Department of Transportation-Caraga na layunin nitong matiyak na ligtas ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan pati na ang mga drivers at conductors para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.