-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Walang naitatalang kaso ng African swine fever (ASF) sa North Cotabato sa loob ng halos limang buwan base sa surveillance and monitoring ng Office of the Veterinarian (OPVET).

Ito ang kinumpirma ni Cotabato Provincial Veterinarian and OPVET head Dr. Rufino Sorupia.

Inamin ni Suropia na batid nilang atat na atat ng mag-repopulate ang karamihan dahil sa kakulangan ng supply nito, subalit ayon sa kanya hindi maaring mag-repopulate ng basta-basta ang mga direktang apektado ng naturang sakit.

Sa kabila nito ay aasahan naman anya ang “new normal” hog raising o sentinelling, ito ay recovery at repopulation program na dadaan sa masinsinang pamamaraan upang maiwasan ang ASF outbreak.

Anya, dadaan sa screening ang mga hog raisers kung saan susuriin ang kulungan ng baboy, access sa tubig at septic tank, susunod ang decontamination sa paligid, environmental swabbing kung saan kukuha ng sample sa lupa, kanal, tubig at paligid ng kulungan para sa laboratory examination at kapag pumasa ay magpapatupad ng sentinelling o hog raising experiment.

Kapag nakitang walang ASF ang baboy matapos ang 90 na araw ay maari na muling mag-alaga ang mga masasaka.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang training sa mga BBO’s o mga Barangay Biosecurity Officers na tutulong sa ginagawang sentineling program laban sa ASF.

Iilan lang ang Kidapawan City at Magpet Cotabato sa pilot area na mauunang magsasagawa ng nasabing programa.