CENTRAL MINDANAO- Isang limang buwang gulang na batang babae ang ika-84 na panibagong kaso ng Coronavirus Disease sa probinsya ng Cotabato.
Ito ay batay sa pinakahuling tala ng DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region at IPHO-Cotabato.
Ayon kay PIATF ICP Head BM Philbert Malaluan ang panibagong kaso ay residente ng bayan ng Midsayap na ipinanganak sa pamamagitan ng normal delivery, breastfed at walang abnormalities hanggang noong September 6 nang makaranas ito ng mga pag ubo.
Unang lumala ang mga sintomas nito noong Setyembre 8, dinala ito sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC) sa Cotabato City para sa konsultasyon na nauwi sa pagkaka-admit nito at swab test.
Tiniyak ni BM Malaluan na kasalukuyang nasa stable conditon ang bata at isolated kasama ang ina nito sa CRMC.
Patuloy namang ini-establish ng mga contact tracers ang posibleng history of exposure nito kaya naman hinihiling ni BM Malaluan na iwasan na muna ang pag speculate at huwag maniwala sa mga fake news.