-- Advertisements --

hpg 1

Arestado ang isang most wanted carnapper habang apat na sasakyan ang narekober ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group (HPG) sa isinagawa nilang operasyon.

Ayon kay PNP HPG director B/Gen. Alexander Tagum, matagal na nilang mino-monitor ang nasabing grupo at ng magkaroon ng magandang pagkakataon noong October 15 agad sila naglunsad ng operasyon.

Sa nasabing operasyon arestado si Wharly Lirio, 36, convicted robber na siyang 8th Most wanted Person sa Binangonan, Rizal.

Nagsagawa rin ng operasyon ang Calabarzon Police Highway Patrol Team (PHPT) sa Quezon at Laguna kung saan narekober ng mga ito ang mga carnapped na sasakyan isang Hyundai Elantra, Ford Raptor, at Nissan Urvan.

Arestado sa isinagawang follow-up operation si Esrom Paming na nahaharap sa 30 taon pagkakakulong.

Narekober din ng mga tauhan ng HPG ang ninakaw na Ford Ranger XLS 2019, sa may Cubao, Quezon City.