-- Advertisements --
Inihahanda na ng Bureau of Customs (BOC) ang kaso laban sa limang Chinese at isang Filipino na inaresto dahil sa pag-imprinta ng mga pekeng pakete ng sigarilyo sa Valenzuela City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Kevin Tan, James Sy, Tin Fu, Alex Chan, isang alyas Tonyo at Michael Jamora.
Nakuha sa mga dito ang imported printing machines, cutting machines na ginagamit sa kanilang iligal na gawain.
Nagbunsod ang operasyon laban sa mga suspek matapos na lumapit sa kanila ang kompaniya na gumagawa ng sigarilyo.