-- Advertisements --

Pinagbibitiw na sa pwesto ng limang commissioner ng National Commission of Senior Citizens ang kanilang chairman na si Franklin Quijano.

Kabilang sa mga lumagda sa manifesto ay sina commissioner Ricardo Rainier Cruz III, Enriqueta Rodeles, Edwin Espejo, Reymar Mansilungan at Mary Jean Lorete.

Ayon sa mga petitioner, si Quijano umano ay hindi na suitable na maging chairman ng NCSC .

Ito ay inakusahan ng grave abuse of authority, gross misconduct, gross negligence of duty,, ignorance of the law, at iba pang reklamo.

Naniniwala ang grupo na walang konkretong programa ang ahensya sa ilalim ng pamumuno ni Quijano.

Handa naman ang grupo na iparating sa Malacañáng ang naturang usapin.