BAGUIO CITY – Iniulat ng Food and Drug Administration (FDA) na mayroong limang cosmetics products sa Cordillera Administrative Region (CAR) na hindi rehistrado ng ahensiya.
Ayon kay Saturnina Pandosen, Licensing Officer ng FDA-Cordillera, nakakolekta ang mga empleyado ng ahensiya ng 14 na cosmetic products sa buong Cordillera kung saan walo sa mga ito ang isinailalim sa laboratory analysis.
Sinabi niya na nakapasa sa parameters ang walong produkto kaya’t sumunod naman na isinailalim sa testing ang anim na natitirang produkto.
Gayunpaman, sinabi ni Pandosen na sa anim na produkto ay iisa lang ang nakapasa sa parameters.
Ipinaliwanag niya na kabilang sa mga natuklasang hindi rehistradong cosmetics products ang lipstick, eyebrow liner, whitening cream at iba pa.
Dahil dito, muling nagpaalala ang FDA sa mga consumers para tingnang mabuting ang label ng mga produkto para malaman kung ito ay aprubado ng ahensiya.