-- Advertisements --
pakistan app

Pinagbawalan ng Pakistan ang limang mga dating apps sa kanilang bansa na Tinder, Tagged, Skout, Grindr at SayHi dahil sa pagiging immoral.

Ayon sa Pakistan Telecommunication Authority (PTA) nag-isyu na sila ng mga abiso sa mga kompaniya na alisin na ang dating services bunsod ng pagiging malaswa.

Gayundin dapat daw bawasan ang live streaming content.

Wala pa naman daw kasagutan sa mga otoridad ang naturang mga kompaniya.

“Keeping in view the negative effects of immoral/indecent content streaming through the above applications, PTA issued notices to the management of above mentioned platforms for the purpose of removing dating services and to moderate live streaming content in accordance with the local laws of Pakistan,” bahagi pa ng statement ng PTA.

Ang apps na Tinder at Grindr ay popolar sa Amerika at iba pang Western countries.

Gayunman ang naturang dating apps ay hindi ganon kasikat sa Pakistan bunsod ng pagiging relihiyoso at konserbatibo ng kanilang kultura.

Pakistan PTA telecom

Sinasabing ang Tinder ay may 440,000 na may downloads sa Pakistan sa nakalipas na isang taon, habang nasa 13 million naman sa Estado Unidos sa kaparehong 12 buwan.

Samantala ang Grindr app naman ay ang pinakamalaki umanong social networking para sa mga “gays, bi, trans, at queer people.”