-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naging mabunga ang limang araw na Barangay Animal Health Providers Training Program na inilunsad ng tanggapan ni Cotabato Governor Nancy Catamco kaakibat ang Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) at office of the Municipal Agriculturist sa bayan ng Magpet Cotabato.

Sa pagtatapos ng 23 participants, natutunan nila ang mga basic na interventions para sa ating mga alagang hayop.

Sila ang magiging kaagapay ng OPVet at Office of the Municipal Agriculture (OMAG) kapag mayroong mga veterinary activities sa kani-kanilang barangay.

Sila rin ang inaasahang katuwang sa pagkilala at pagsumite ng ulat sakaling mayroong sakit ng alagang hayop sa kanilang mga lugar.

Dumalo sa programa sina Dr. Rufino Sorupia OPVET, Edgardo Linsag Magpet Municipal Agriculturist , former councilor Ramiel Apostol at ang food security team.(Bombo Garry Fuerzas)