-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad sa Venezuela ang limang mga foreign nationals na may kinalaman sa pagpapatalsik ng gobyerno.

Ayon kay Venezuelan interior minister Diosdado Cabello, na ito ay kinabibilangan ng tatlong Americans, isang Bolivian at isang Peruvian.

Inakusahan din nito ang US intelligence agencies na sangkot rin sa nasabing pagpaplano.

Una ng itinanggi ng CIA ang alegasyon ng assasination plot kay President Nicolas Maduro.

Magugunitang mula Hulyo ay may mga nagsagawa ng kilos protesta dahil sa kuwestiyonableng resulta ng halalan.