Maaari sanang napigilan ang pagkamatay ng dosenang mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) kung nabigyan ng maayos na medical attention ang mga ito sa kanilang karamdaman.
Ibinunyag ni Corrections Technical Senior Supt. Ma. Cecilia Villanueva, tanging nasa limang doktor lamang ang nakatalaga para suriin ang kalusugan ng mahigit 29,000 inmates na nasa national penitentiary.
Saad pa nito na sa buong bansa, tanging nasa tatlong doktor lamang ang mayroon sa anim na iba pang mga piitan ng Bureau of Corrections (BuCor) habang kakaunti lang din ang mga nurses na ansa 300 lamang para mag-asikaso sa mga maysakit na bilanggo sa mga piitan.
Kung kayat ayon sa opisyal ay ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakay para makapagbigay ng angkop na pag-aalaga sa kalusugan ng mahigit 50,000 inmates na nagsisilbi ng kanilang sentensiya sa nagawang pagkakasala sa batas mula sa pitong piitan at penal farms sa buong bansa.
Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga inmate base sa nakalagay sa kanilang death certificate ay dahil sa acute myocardial infarction o heart attack, pneumonia, cardiorespiratory arrest o sudden loss of breathing at heart function.