-- Advertisements --
Mayroon ng limang drug companies ang napili ng administration ni US President Donald Trump na gagawa ng posibleng gamot sa coronavirus.
Ilan sa mga dito ay ang Johnson & Johnson, Merk & Co Inc, Moderna Inc, AstraZeneca Plc at Pfizer.
Ang nasbing mga kumpanya ay mabibigyan ng gobyerno ng karagdagang pondo at tulong para sa clinical trials, financial at logistical support.
Inaasahan naman na iaanunsiyo ng White House ang magiging resulta kung nakagawa na ang mga kumpanya ng mga bakuna.
Balak din kasi ng US na magsagawa ng massive clinical trails na kinabibilangan ng 100,000 hanggang 150,000 na volunteers at inaasahan na magkakaroon na ng bakuna laban sa COVID-19 hanggang sa katapusan ng taon.