Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang lima katao na nearesto sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na sina Tuad Ibrahim Razul alyas Dats, 23, Amer Mentang Akmad, 42, Faisal Akmad, 35, Mohadjerin Sendad, 35 at Razul Mentang , 24 mga residente ng Maguindanao.
Ayon kay PDEA 12 Regional Director Naravy Duquitan na nagsagawa sila ng drug buybust operation katuwang ang pulisya sa Barangay Baguer Libungan Cotabato.
Nang i-abot na nga mga suspek ang shabu sa PDEA-asset ay doon na sila hinuli.
Nakumpiska sa mga ito ang humigit kumulang
70 grams ng suspected shabu na umabot sa P476,000.
Maliban sa shabu, nabawi rin ang buy-bust money, digital weighing scale, at isang mini van na ginagamit ng mga suspek sa kanilang transaksyon.
Sa ngayon ay nakapiit ang mga suspek sa costudial facility ng Libungan PNP at patuloy na iniimbestigahan.