-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang mga drug suspect na nahuli sa ikinasang drug buybust operation sa Sitio Nipa, Barangay Culasi, Roxas City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Lanie Macalintal, July Born Macalintal, Jay Lord Arigora, Jema Earl Benemile at isang menor de edad na pawang mga residente ng naturang lugar.

Ang nahuling mga indibidwal ang nagsasawa ng pot session nang mahuli ng mga kapulisan.

Ngunit, nakatakas naman ang subject person na si Necanor Macalintal, 46-anyos nang nalaman nito ang operasyon ng mga kapulisan.

Ayon kay Police Master Sergeant Ramil Arcangeles na narekober sa isang bahay na nagsisilbing “drug-den” ang dalawang mga plastic sachets na pinaniniwalaan shabu at may bigat na 4 grams at may estimated value na P52,000; P1,000 na buybust money; P14,000 na boodle money; isang unit ng cellphone at mga drug pharaphernalias.

Dagdag pa ni Arcangeles na drug surrenderer si Macalintal at matagal na minamanmanan ng mga pulis.

Napag-alaman na kabilang rin sa mga naaresto ang asawa at dalawang anak ni Macalintal sa naturang operasyon.

Samantala na aminado naman ang anak ni Macalintal na matagal na sangkot sa iligal nga droga ang ama kung saan makailang beses narin nila sinaway ang ama sa iligal na aktibidad nito.