CAUAYAN CITY- Tinupok ng naganap na forest fire ang limang ektaryang lupain sa Bontoc, Mountain Province.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO1 Cliford Chinalpan deputy municipal fire marshall ng Bontoc Fire Station sinabi niya na mag kasunod lamang na naitala ang forest fire sa bahagi ng Bontoc kung saan umabot sa limang ektaryang lupain o talahiban ang nasunog.
Batay sa kanilang pagsisiyasat na nagsusunog ng busura ang isang residente malapit sa talahiban subalit sa hinid inaasahan ay kumalat ang apay at hindi na nawagang ma kontrol pa ng mag-asawa kaya humingi na ng tulong sa Bureau of Fire Protection.
Aniya bagamat wala namang tanim na punong kahoy sa lugar ay kailangan nila itong apulahin dahil malapit lamang ito sa residential houses.
Sa ngayon ay hindi pa nila alam ang estimated cost ng sunog habang nag sasagawa na ng pagsisiyasat ng BFP Bontoc.
Dahil sa magkasunod na insidente ng forest fire ay makikipag ugnayan na sila sa bawat opisyal ng barangay para sa pagpapasa ng ordinansa na nag reregulate sa pagsusunog ng basura na siyang nagiging sanhi ng forest fire.
Makakatuwang nila sa gagawing public annoucement ang rescue at barangay officials ng bawat barangay.