-- Advertisements --
Nakapagtala ang probinsya ng Abra ng limang election-related incidents sa kabuuan ng BSKE 2023.
Ang mga naturang insidente ay una nang kinumpirma ng Police Regional Office Cordillera, matapos ang naging halalan.
Gayonpaman, tinukoy naman ni PRO-COR Regional Director PBGen. David Peredo Jr. na generally peacefull ang naging situation sa kabila ng mga naitalang election-related incidents.
Pangunahin dito ang pagpapaputok ng baril ilang oras matapos ang pagsisimula ng halalan.
Dahil sa naturang insidente, ilang oras na itinigil ang halalan sa isang presinto sa bayan ng Tineg, dahil sa banta ng seguridad, ngunit agad ding ipinagpatuloy matapos tumulong ang mga security forces mula AFP at PNP.