BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Edgar Palarca Jr., hepe ng Community Affairs Office ng Agusan del Norte Provincial Capitol na lima sa kanilang mga empleyado ang nagpositibo sa random drug test na ginawa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Caraga.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na regular itong ginagawa ng probinsyal na pamahalaan bilang pagsunod sa provincial ordinance upang magiging drug-free ang kanilang mga workplaces at matiyak na ligtas na magtatrabaho ang lahat ng mga empleyado na walang aalahanin o kaya’y katatakutan.
Ito umano ang unang beses na nakapagtala sila ng limang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na druga na isasa-ilalim pa sa confirmatory test upang dadaan sa intervention program sakaling makumpirmang gumagamit talaga sila ng ilegal na druga.