BUTUAN CITY – Nagpaabot ng pasasalamat ang pamilyang Del Rosario sa Butuan City matapos naka-recover ang 5 miyembro nito na nadapuan sa Covid-19.
Napag-alamang ang nasabing biktima ay parehong mga health care workers, 2 ang doctor at 3 ang nurses.
Ayon kay Edracel sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, 2 linggo na ang nakalipas nang dumaranas ng sintomas sa Covid-19 ang kanilang 69-anyos na ina na si Dra. Edna, isang doctor sa Butuan Medical Center.
Noong panahong iyo ay na-isolate na ang kanilang ina ngunit nadapuan pa rin silang 4 na mga anak.
Dagdag pa ni Edracel, dalawang araw lamang ang nakalipas, nakaranas na rin siya ng mataas ng lagnat, pag-ubo at sipon na sinusundan pa sa pagkawala sa kaniyang panlasa at pang-amoy dahilang na-admit sila sa BMC Annex.
Ngunit ang kanilang ina ay nakaranas sa severe pneumonia dahilang inilipat ito sa Butuan Doctors Hospital kungsaan binigyan ng critical care.
Tinuturing ring himala ang nangyari sa kanilang ina dahil pagkalipas ng iilang araw ay nawala ang dinaranas nitong severe pneumonia.
Sa ngayon ay kahit nakauwi na sila sa pamamahay at stable na ang kalagayan sa kanilang inaay, mayroong oxygen tank na naka-standby habang patuloy silang naka-isolate sa loob ng dalawang linggo.