-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Limang farmers organization mula sa bayan ng Kabacan Cotabato ang naging benepisyaryo ng 12M worth na mga farm machines at post-harvest facility mula sa bansang Korea.

Ayon kay Korea International Cooperation Agency (KOICA) Country Director Kim Eunsub ang programang ito ay isa sa labing anim na proyekto o programa ng KOICA sa pakikipagtulungan sa Food and Agriculture Organization of the United Nation (FAO-UN) sa lalawigan ng Cotabato.

Masaya naman si Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman sa tulong ng bansang Korea. Aniya, hindi lamang sa mga k-drama magiging kilala ang bansang Korea bagkus maipagmamalaki ng Kabacan na isa sila sa pinakilig ng mga farm inputs na kaloob ng bansa.

Siniguro naman ni Cotabato Gov. Emmylou TaliƱo-Mendoza na magiging bukas ang pinto ng lalawigan ng Cotabato sa iba pang proyekto na nais ng Korea na ipagkaloob sa mga CotabateƱos.

Hinikayat din nito ang mga benepisyaryo na pangalagaan ang mga kaloob na farm machines.

Samantala, ang mga Community Based Organizations (CBO) na napagkalooban ay ang Liton-Kibales-Magatos IA, Kilagasan-Poblacion-Magatos IA, Osias SN MPC, Dagupan ARB MPC, at Kabacan Agri-Resources and Livestock Farmers Association.

Maliban sa mga CBO na nabanggit, naging benepisyaryo rin ang USM-SOXAARRDEC ng isang proyektong naglalayong mapaganda ang production ng mias gamit ang Lactic Acid Bacteria Serum.

Sa huli, naging mainit ang pasasalamat ng mga magsasakang inihahanda ang sarili para maging farmer-entrepreneur.