Pinakawalan na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang limang basketbolista na kanilang kinuha mula sa PBA noong 2019.
Kinabibilangan ito nina Isaac Go, Rey Suerte, Matt at Mike Nieto at si Allyn Bulandi.
Ang nasabing mga manlalaro ay hindi na nagrenew ng kanilang kontrata sa national federation na nagtapos nitong Enero 31.
Si Go ay first overall ng TerraFirma Dyip habang si Suerte ay second overlla sa Blackwater habang si Matt Nieto ay third overall ng NLEX.
Napili namang fourth overall si Bulandi ng Alaska at si Mike Nieto naman ay fifth overall ng Rain or Shine.
Sa mga manlalaro ay si Go ang may maraming laro kung saan walong beses itong naglaro sa Gilas noong FIBA Asia Cup Qualifiers at FIBA Olympic Qualifying Tournament habang si Bulandi ay hindi nakapaglaro ng isang laro dahil sa injuries.