LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng pagguho ng lupa sa bayan ng Baras, Catanduanes dahil sa matitinding pag-ulan sa lalawigan dulot ng Bagyong Bising.
Napag-alamang nag-decamp na ang mga residente sa naturang bayan subalit na-monitor ang nangyaring landslide sa barangay Genitligan.
Ayon kay Baras MDRRMO head Engr. Khalil Tapia sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, binisita nila ang naturang barangay at muling pinalikas ang mga residente na malapit sa lugar kung saan nagkaroon ng pagguho ng lupa.
Ito ay upang maiwisan ang anumang hindi inaasahang insidente habang patuloy na naka-monitor ang local officials.
Dagdag pa ni Tapia na patuloy pa rin ang paglilibot ng mga tauhan ng Baras MDRRMO sa 29 pang mga barangay upang ma-monitor ang iniwang mga pinsala ng bagyong Bising.