-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Aabot sa limang indibidwal ang nahuli ng mga otoridad na nag-iinuman sa loob ng quarantine facility sa siyudad ng Ormoc.
Ayon kay PMaj. Joel Talagon, tagapagsalita ng Ormoc PNP, nakatanggap sila ng tawag ukol sa ginagawang pag-iinuman ng naturang mga indibidwal.
Kaagad naman ang mga itong nagsagawa ng operasyon at doon nahuli ang mga suspek.
Narekober naman ng kapulisan sa pinangyarihan ang mga bote ng alak.
Napag-alaman na ang naturang mga suspek ay mga balik bayan at anim na araw pa lamang sa kanilang quarantine.
Nasa ilalim din ang buong Eastern Visayas sa General Community Quarantine kayat mahigpit na pinagbabawal ang pag-iinuman.