-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Limang mga Improvised Explosive Device (IED) ang narekober ng Moro Islamic Liberation Front (MILF-Task Force Itihad) sa lalawigan ng Maguindanao.

Ito mismo ang kinumporma ni MILF- BIAF National Guard Front Commader George Kasim.

Bago nadepyos ng MILF ang mga bomba katuwang ang tropa ng 57th Infantry Battalion Philippine Army nakubkob nila ang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS-Inspired Group) sa ilalim ng grupo ni Shiekh Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife.

Nasabugan rin ng bomba ang mga tauhan ng MILF sa Sitio Mapagkaya Barangay Dasawao Shariff Saydona Mustapha Maguindanao kung saan pito ang nasugatan.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng MILF Task Force Itihad ang BIFF sa Liguasan Delta at SPMS Box sa Maguindanao.