-- Advertisements --
NAGA CITY – Sugatan ang limang Indian national matapos maaksidente ang sinasakyang sports utility vehicle (SUV) sa Barangay Pacol, Naga City.
Kinilala ang mga biktima sa mga pangalan lamang na Vakish, Ram, Sweety, Benky at Teja.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na nakasakay sa SUV ang mga biktima ngunit pagdating sa kilometer 8 sa nasabing Barangay nang mag-overtake sila sa isang tricycle sa palikong bahagi ng daan.
Subalit nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver daan upang bumangga ang mga ito sa isang kongkretong pader na naging sanhi upang magtamo ang mga biktima ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Nagpapagaling pa ngayon sa Bicol Medical Center ang mga biktima.