DAVAO CITY – Patuloy na inoobserbahan ngayon ang kalagayan ng limang mga indibidwal matapos na magbanggaan ang isang van, pick up at motorsiklo sa Purok 1, Barangay Riverside, Calinan District.
Sa isinagawang imbestigasyon ng Calinan PNP, nagbangga ang isang Toyota Hilux Pick-up na pagmamay-ari ng Sumifru Philippines Corporation at minaneho ng isang Dexter Angelo Jocom, 51 anyos , residente ng Green Meadows Mintal, isang Toyota Grandia na minaneho ni Samuel Barrete, 50 anyos na taga Osmeña Drive, Kidapawan City at ang single motorcycle na minaheno ng isang Tirso Cucharo residente ng Barangay Malagos Baguio District.
Sinasabing nasa opposite lane ang Pick-up at ang Van, habang ang motor nauna sa pick-up at nasa parehong lane.
Napag-alaman na papuntang downtown ang van habang ang motor at ang pick-up ay patungong Calinan nitong lungsod.
Sa imbestigasyon ng otoridad, bigla na lamang umano na nag-overtake ang Van na sinundan ng sasakyan at pumunta sa lane kung saan nandoon naman ang pick-up dahilan na nangyari ang aksidente at binangga ang motor na nauna sa kanya.
Sugatan sa aksidente ang isang Nikka Hamor, 26 anyos, empleyado ng sumifru na nakasakay sa pick-up, Febbe Barrete, 50 anyos, pasahero ng van at asawa ng driver na si Samuel na parehong nagtamo ng mga injuries sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.
Agad naman na rumesponde sa lugar ang mga personahe ng 911 at agad na dinala ang mga biktima sa hospital.